309
ABANTE basura truck traslacion
Jan 10, 2018 @ 16:06
By

75 trak ng basura nahakot sa pahalik, traslacion

Aabot sa 75 truck ng basura ang nahakot sa Quirino Grandstand, sa Plaza Miranda, paligid ng Quiapo Church at sa mga rutang dinaanan ng traslacion ng Poong Itim na Nazareno.

Ito ay ayon kay Rafael “Che” Borromeo, hepe ng Manila City Hall-Department of Public Services.

Sa kabuuan ay aabot umano sa 1,350 cubic meters o 385 tonelada ng basura ang nahakot sa mga lugar na pinadausan ng pahalik at traslacion.

Mas marami ang mga basurang nahakot ngayong taon kung ikukumpara sa pahalik at traslacion noong 2017 na umabot sa 65 trak o 341 tonelada.

Ang mga basura namang nahakot sa Thanksgiving Procession noong December 31, 2017 at prusisyon ng mga replika noong January 7, 2018 ay umabot sa 20 trak o 103 tonelada. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?