16

Feb 25, 2021 @ 9:40
By

75% suplay ng Covid bakuna ‘pinakyaw’ ng 10 bansa – Duterte

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, kinuha ng sampung bansa ang 75 porsiyento ng supply ng COVID-19 vaccine sa buong mundo kaya marami pa ring mga bansa ang hindi nakakapagsimula ng kanilang vaccination program kagaya ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang regular na mensahe sa bayan sa harap ng patuloy na paghihintay sa pagdating ng bakuna aa bansa.

Hanggang ngayon aniya ay 130 mga bansa sa buong mundo ang naghihintay pa rin kung kailan makakakuha ng bakunta kontra COVID.

“There are only 10 countries today. In fact, 75 percent of all vaccination, sitenta’y singko porsiyento ng lahat ng bakuna, nakuha ng 10 countries. Sampu lang. Iyong 130, wala,” aniya.

Maging ang bansang Canada aniya ay pinagdadamutan ng Amerika dahil sa dami ng kanilang populasyon kaya kinopo ang maraming supply ng bakuna para sa kanilang mamamayan.

“Canada na nga, kapitbahay ng Amerika nagdadamutan pa sila. Kino-corner talaga ng Amerika lahat ngayon kasi they have about 332 million population, tapos may booster pa,” dagdag ng Pangulo.

Dahil wala pang bakuna ang Pilipinas, pinayuhan ni Pangulong Duterte ang publiko na sundin ang ipinaiiral na health protocols para maiwasan ang peligro ng COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na palaging magsuot ng face mask dahil malaking tulong ito para hindi makontamina ng virus.

“Maghintay tayo, in the meantime, you just follow government…yung mask. It can save you a lot of trouble and expense,” wika niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?