9

Oct 13, 2021 @ 9:09
By

75 pulis sapol ng COVID

Naitala nitong Miyerkoles ang 75 bagong COVID-19 cases sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, umapaw na sa 41,005 ang kabuuang bilang ng pulis na tinamaan ng naturang virus sa bansa.

Tumaas naman sa 39,768 ang bilang ng nga nakarekober matapos maitala 152 bagong nakaligtas mula sa COVID mula sa kanilang ahensya.

Umakyat naman sa 122 ang death toll rate ng ahensya matapos madagdagan ng isang bilang ng nasawi.

Kasalukuyang nasa 1,115 na ang kabuuang bilang ng active COVID cases sa PNP. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?