224

Sep 26, 2017 @ 22:54

75 katao, huli sa sugal

Umaabot sa 75 katao ang nadakip ng Bulacan PNP sa kanilang anti-illegal gambling operation sa tatlong lungsod at 21 munisipalidad sa Bulacan mula September 1 hanggang kahapon na nagpapatunay na matindi pa rin ang giyera ng kapulisan sa probinsya hindi lamang sa droga kundi maging sa illegal gambling.

Base sa report ni P/Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., Bulacan police director, nakapiit at nahaharap sa kasong illegal gambling ang mga naaresto na kinabibilangan ng 37 kubrador ng jueteng at 38 naman ang nasakote sa iba’t ibang uri ng sugal tulad ng Cara y Cruz, Black Jack, color games, drop ball, lotteng at video karera.

Sinabi ni P/Senior Supt. Caramat na hindi lamang giyera laban sa drugs ang pinatindi ang kampanya sa Bulacan kundi maging sa illegal number games batay na din sa direktiba ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa at P/Chief Supt.Amador V. Corpus, regional director ng Police Regional Office 3(PRO3).

Nakumpirma ding patuloy ang isinasagawang all-out war ng Bulacan Provincial Intelligence Branch(PIB)sa pangunguna ni P/Supt. Marlon Santos,gayundin ang Provincial Public Safety Company(PPSC),CITD-Bulacan field office at ng mga city at police station sa probinsya. ( Jun Borlongan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?