By

75-anyos na lola, 18 pa dinakma sa droga

Sharing is caring!

Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 75-anyos na lola, dalawa pang babae at 16 na lalaki na sinasabing ‘tulak’ ng droga sa isinagawang drug operations sa nabanggit na lungsod kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni QCPD Dir. P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga nadakip na sina Lola Adelina Milan, 75-anyos; dalawang babae na sina Raquel Nocum, 21; Josefina Eugenio, 35, at kabilang naman sa mga lalaki sina Rick Gardose, 34; Zan Suguilon, 38; Alvin Orio, 42; Ronie Salandro, 52; Julvic Abong, 32; Manuel Rimando, 43; Clifford Dingley, 42; Adrian Manzano, 34; Teddy James, 31; Fernando Pasion, 47; Jorgio Santilliana, 18; Jonathan Abordo, 31; Bingo Arispe, 19; Melvin Tacuyan, 28; at Alexis Baniqued, 29.

Ang mga suspek ay naaresto dakong alas-dos hanggang alas-sais ng umaga sa magkakasunod na buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng QCPD.

Mismong mga residente ng Quezon City ang nagbibigay na ng impormasyon sa mga awtoridad dahil sa ayaw pa ring tumigil sa pagbebenta ng shabu ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga naaresto ang nasa 75 plastic sachet na naglalaman ng droga at nagkakahalaga ng P750K at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?