116

Mar 20, 2020 @ 16:42
By

74-anyos tinadtad ng saksak sa Parañaque

Patay na nang matagpuan ang 74-anyos na babae at tadtad ng 30 saksak, sa loob ng kanyang tahanan sa Parañaque City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Sonia Moral residente ng Brgy. Marcelo Green.

Sa ulat, alas-10:00 ng gabi nang tinawagan umano ng kanyang kapitbahay ang biktima pero hindi ito sumasagot, dito na nadiskubre ang kanyang bangkay.

Tinitingnang motibo ang pagnanakaw makaraang matagpuan ang ilang alahas ng biktima na nakalat sa loob ng kanyang bahay.

Mag-isa lang umanong nakatira sa loob ng bahay nito ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?