40

By

74-anyos na lola, pisak sa bumagsak na crane

Sharing is caring!

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 74-anyos na babae matapos mabagsakan ng crane sa isang construction site ng Manila Water sa Old Balara, Quezon City kaninang umaga.

Sa video na ibinahagi ng isa sa mga residente sa lugar, makikita ang pagsakay sa ambulansiya ng biktima na nakilalang si Rosalinda Mendez.

Nabatid na nagwawalis ang biktima nang mabagsakan ng crame pasado alas-5:20 ng umaga.

Kuwento ng anak ng biktima na si Ruth Mendez Avendaño, naliligo siya sa mga oras na iyon nang makarinig siya ng malakas na kalabog.

Lingid sa kanyang kaalaman ay nadaganan na pala ang kanyang ina ng nakalso na crane.

Matagal na umano nilang nirereklamo ang construction ng Manila Water sa lugar pero wala naman naging tugon dito ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Samantala, naging mainit naman ang eksena nang magharap ang kinatawan ng construction Company na nagmamay-ari ng bumagsak na crane at ang mga kaanak ng biktima.

Sinubukang makipag areglo ng Manila Water pero binalewala ito ng mga nagrereklamo.

Bukod sa sinasabing substandard, ibinibintang din sa kumpanya ang pagnanakaw ng kuryente.

24 oras din daw ito kung magtrabaho kung kaya’t perwisyo ang inaabot ng mga residente sa lugar.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang Manila Water sa nangyaring aksidente.

Sa ngayon, itinigil muna pansamantala ang konstruksiyon sa Brgy. Old Balara.

Desido naman ang pamilya ng biktima na papanagutin ang mga nasa likod ng proyekto.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagbagsak ng crane.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?