65

Mar 31, 2021 @ 22:07
By

73% ng Pinoy naniniwalang mahalaga relihiyon

Karamihan ng mga Pilipino ay naniniwalang mahalaga sa buhay ang relihiyon.

Sa November 21-25, 2020 survey ng Social Weather Stations, 73% Pilipino ang nagsabing “napakahalaga ng relihiyon” habang 15% ang nagsabing hindi mahalaga.

Bumaba ng sampung puntos ang 73% kumpara sa record-high 83% na naitala noong December 2019 survey.

Samantala, lumabas din sa survey na 46% ang pumupunta sa mga misa kada linggo, 25% kada buwan at 27% paminsan-minsan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?