26

By

73% ng Pinoy, nais igiit ni Duterte ang karapatan sa WPS – Pulse Asia

Sharing is caring!

Pito sa 10 na Pinoy ang may gusto na ipaglaban ng administrasyong Duterte ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Lumabas sa resulta ng survey na isinagawa mula Hunyo 15 hanggang 21, na 73 porsiyento ng mga Filipino ang naniniwala na dapat igiit ni Pangulong Rodrigo Duterte pagkapanalo ng bansa sa international arbitral court noong 2016 sa pinag-aagawang South China Sea.

Ang resulta ng survey ay inilabas sa ikalawang taong anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration, na nagpapawalang-bisa sa nine-dash line claim ng China sa naturang karagatan.

Samantala, 46% naman ng Pinoy ang gustong igiit ng administrasyong Duterte ang ruling ng korte habang 27% ang bahagya lang na umayon.

Kabuuang 1,800 Filipino ang tinanong sa survey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?