10

Aug 5, 2020 @ 12:22
By

73 Chinese, 3 Pinoy dinakma sa illegal online gambling

Naaresto ang 73 Chinese national at tatlong Pilipino matapos salakayin ng mga pulis ang isang resort sa Barangay Rapuli, Sta. Ana, Cagayan noong Martes ng gabi.

Ayon kay Cagayan Provincial Police Office (CPPO) director Col. Ariel Quilang, ang pagkaaresto ng mga suspek ay bunga ng search warrant sa isang Frank Yu, may-ari ng OFA-Cagayan Estate Developer Corporation (OFA-CEDC) na umano’y nagpapatakbo ng illegal online gambling.

Sa inisyal na ulat, sinabi ng CPPO na isang “reliable source” ang nagsumbong sa kanila hinggil sa iligal na operasyon ng OFA-CEDC.

Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit 100 computer desktop at laptop na ginagamit sa online gambling.

Ayon kay Quilang, noong Oktubre 2019 pa nasa bayan na ng Sta. Ana ang mga nasabing Chinese national na umano’y nagsasagawa na ng illegal online gambling.

Sinabi ni Quilang na makikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration (BI) para malaman kung ligal na pumasok sa bansa ang mga nasabing Chinese national.

Dinala ang mga suspek sa CCPO at nakatakdang sampahan ng kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?