5

May 3, 2021 @ 16:12
By

7,255 dagdag sa COVID case ng ‘Pinas

Naitakda sa 69,466 ang aktibong kaso ng COVID-19 nitong Martes, May 3.

Sa tala ng Department of Health, pumatak sa 7,255 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, dahilan para sumampa sa 1,062,225 ang total na bilang ng COVID-19 case.

Paliwanag ng DOH, ang mababang bilang ng bagong kaso ay dahil hindi nakapagsumite ng datos ang ilang laboratoryo.

975,234 naman ang total na gumaling, 9,214 ang bagong COVID-19 survivor.

Habang 17,525 naman ang death toll, 94 ang dagdag sa nasawi sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,