9

Aug 28, 2020 @ 17:13
By

72 OFW na pumanaw sa Saudi, dumating sa bansa

Nasa Pilipinas na ang mga labi ng 72 OFW na namatay dahil sa coronavirus disease sa Saudi Arabia at iba pang dahilan nitong Biyernes.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), 62 sa 72 bangkay ng OFW ay namatay dahil sa COVID-19, na iniuwi sa bansa sakay ng chartered flight.

Dagdag ng DOLE, 40 sa mga ito ay mula sa Al Khobar, 17 sa Jeddah at 15 sa Riyadh.

“Three more bodies of OFWs from Riyadh, that were not accommodated in the chartered flight, were brought home also yesterday onboard a commercial PAL flight. They died of non-COVID causes,” saad ng departamento.

Agad naman umanong dinala sa kalapit na mga crematorium ang mga bangkay ng mga OFW na pumanaw sa COVID-19 pagdating sa Ninoy Aquino International Airport habang ang iba ay inihatid sa kani-kanilang lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?