424
711 hubad, tambay, atbp nadampot
Mar 20, 2019 @ 16:46
By

711 hubad, tambay, atbp nadampot

Umaabot sa 711 mga pasaway ang nahuli ng mga pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal sa ikinasang magdamagang operasyon.

Ayon kay EPD District Director Police Brig. Gen. Christopher Tambungan, patuloy ang pagsasagawa ng simultaneous anti-crime law enforcement operation ng mga pulisya na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan upang tuluyang masawata ang mga pasaway na residente.

Batay sa report, anim na katao ang inaresto sa paglabag sa drinking in public places, nasa 64 ang arestado sa smoking ban, anim katao ang huli sa kasong half naked, 31 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 604 ang nahuli pa sa iba pang paglabag sa mga lokal na ordinansa.

Sa kabuuan, nasa 476 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 161 ang arestado ng Mandaluyong Police, 29 ang nahuli sa Marikina habang nasa 45 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?