20

Nov 24, 2021 @ 12:33
By

700K dose ng AstraZeneca dumating sa Pinas

Hindi bababa sa 700,000 na doses ng AstraZeneca ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Miyerkoles bandang alas-9 ng umaga.

Mula sa Australian government ang nasabing bakuna, sinalubong ni Australian Ambassador Steven Robinson, Vaccine czar Carlito Galvez Jr., at Health Secretary Francisco Duque III ang pagdating ng mga doses.

Ayon sa mga ulat, ang Pilipinas ay nakatanggap ng kabuuang 135,161,900 doses ng mga bakuna.

Hindi bababa sa 34,199,550 Pilipino ang fully vaccinated na.

Samantala, 43,290,294 na indibidwal ang nakatanggap ng kanilang unang dose. (Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?