53

Dec 22, 2017 @ 14:35
By

700 rebeldeng komunista sumuko sa militar

Kusang-loob na sumuko sa pamahalaan ang mahigit 700 dating rebeldeng komunista mula sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Mindanao.

Isinagawa ang oath of allegiance sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) covered court sa Panacan, Davao City.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Lt. Col. Emmanuel Garcia, ang mga dating rebelde ay mula sa mga lalawigan ng Agusan, Bukidnon, Surigao, Davao, Cotabato at Sarangani, na nagsisuko sa pamahalaan mula Enero 1 hanggang Disyembre 15 ng taong ito.

Isinuko rin ng mga rebelde ang 265 high and low-powered firearms, kung saan tumanggap sila ng halagang mula P12,000 hanggang P210,000 depende sa klase ng isinukong armas.

Maliban dito, nakatanggap din ang mga nagbalik-loob ng P15,000 financial support at P50,000 livelihood assistance sa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program (CLIP) ng pamahalaan. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?