69

Nov 3, 2017 @ 14:06

700 pulis itatalaga sa Bar Exams sa UST

Nagtalaga ng mahigit na 700 pulis na magbabantay sa University of Sto. Tomas (UST) na pagdadausan ng 2017 Bar Examinations simula sa Linggo, Nobyembre 5.

Ito ay upang maiwasan ang mga panggugulo at magsilbing babala sa sinumang magtatangkang gumawa ng gulo sa loob at labas ng UST campus.

Magpapatupad naman ng re-routing ng mga sasakyan ang Manila police sa kahabaan ng España papuntang Quiapo mula alas-kuwatro hanggang alas-siyete ng umaga at mula alas-kuwatro ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.

Ipagbabawal ang pagpaparke ng mga sasakyan sa paligid ng UST gaya ng España, Dapitan, P. Noval, at Lacson.

Ipinatupad ang traffic re-routing upang hindi maabala at mabigyan ng prayoridad ang mga kukuha ng exams, pati na rin ang mga magsasagawa ng Bar ops.

Para sa kaginhawaan ng may edad at may kapansanang mga examinees at mga taga-Supreme Court, magpapahiram ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng limang electric tricycles (E-trikes) sa UST para magbigay ng libreng sakay.

Magpapatupad din ng liquor ban sa loob ng 100 metro ng UST sa loob ng apat na linggo. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?