50

Nov 26, 2017 @ 16:51
By

700 pulis ikinalat sa huling araw ng Bar exams

Mahigit sa 700 pulis ang nakakalat sa bisinidad ng University of Santo Tomas kasabay ng huling araw ng Bar Examinations ngayong taon.

Ayon kay Manila Police District Spokesperson PSupt. Erwin Margarejo, maliban sa MPD, nakahanda rin ang pwersa ng National Bureau of Investigation, Bureau of Jail Management and Penology, Supreme Court Security team at Sandiganbayan Security team para matiyak ang kaligtasan sa lugar.

Samantala, nananatili ang mga tagasuporta ng mga bar examiners para magpakita ng suporta ngayong huling araw ng 2017 Bar Examinations sa University of Santo Tomas.

Nakaantabay ang mga kamag-anak, kaibigan at mahing mga kasamahan sa fraternity suot ang kanilang mga frat shirts at flags sa labas ng gate ng naturang unibersidad.

Sa bahagi ng Gate 10, sinabi ng isang NBI official na tanging ang maliliit na ayaw o asaran sa pagitan ng mga fraternity lang ang nangyaring aberya sa lugar. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?