35

Mar 9, 2020 @ 20:38
By

700 kahon ng hotdog, ham kinumpiska sa Albay

Umaabot sa P720,000 na halaga ng hotdog at sweet ham ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG)-Catanduanes sa Boracay Port, Albay.

Ayon sa PCG, nabigo ang driver ng van na si Edwin Francisco na makapagpresinta ng Animal Heath Certificate and Meat Inspection Certificate para sa dala nitong iba’t ibang meat product noong Marso 7.

Itinurn-over na ang mga nakumpiskang produkto sa Provincial Veterinary Office para sa proper disposition.

Magugunitang nagpatupad ng total ban sa pagpasok ng mga pork at pork by-product sa Catanduanes laban sa pagkalat ng African Swine Fever.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?