54

Dec 16, 2017 @ 14:05
By

700 commuters nairita, MRT muling tumirik

Mahigit 700 pasahero ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) o MRT-rik ang nairita na sa palagiang pagkasira ng tren dahil muli na namang huminto ang MRT sa northbound ng Boni Station kaninang alas-8:14 ng umaga.

Electrical failure na naman at technical problem ang sanhi ng pagkaantala ng MRT.

Sa report na nakalap mula sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), nakatanggap sila ng report bandang alas-9:05 ng umaga na may tren na naman ang nasira dahil sa technical problem na.

Paliwanang ng DOTr, posibleng sanhi ng pagkasira ng MRT ang electrical failure dahil karamihan ng makina nito ay luma na, maging ang regulator, insulators, chopper at carbon brush ay kailangan nang palitan.

Nakasakay naman agad ang mga pasahero makalipas ang limang minuto dahil sa paparating na tren.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?