89
pulis
Mar 7, 2018 @ 17:32

70 pulis nasa watchlist ng NCRPO

70 tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isinailalim sa watch list bunsod ng pagkakasangkot sa iba’t ibang illegal na aktibidad.

Sinabi ni NCRPO chief Oscar Albayalde na ang mga watchlisted personnel na may rango na may mga na PO1 hanggang SPO1, ay sangkot sa mga kasong illegal na droga, kidnap for ransom, extortion at iba pa.

Karamihan anya sa mga ito ay nakatalaga sa Manila Police District (MPD) at Quezon City Police District (QCPD).

Sinabi ni Albayalde na maaring nagkaruon ng kakulangan sa background check kaya nakapasok sa police force ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?