54
housing1
By

70% ng Yolanda housing project, nakabitin pa – Ejercito

Sharing is caring!

Kinalampag ni Senador JV Ejercito ang National Housing Authority para madaliin na ang konstruksyon ng mga bahay para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Kasunod ito ng kaniyang pagbisita kanina sa Tacloban City bialng chairman ng Senate committee on Urban Planning nad Housing.

Ayon kay Ejercito, lumilitaw na halos 70 porsyento paa ng pabahay para sa mga nasalanta ang hindi natatapos.

Nobyembre 2013 pa ang bagyong Yolanda o lagpas apat na taon na ang nakalilipas.

Mahigit 205,000 na housing units ang target na ipagawa sa para sa mga biktima ng malakas na bagyo.

Hanggang noong Agosto ng nakaraang taon, 67,754 units pa lang ang natatapos o 33 percent.

Mula sa mga natapos na, 11 porsyento lamang o 23,414 ang okupado.

Umano’y hindi maipatayo ang mga kailangang bahay dahil walang mapagtayuang lote, mabagal din ang conversion ng agricultural lands doon tungong residential lots, matagal magpatitulo at kumuha ng mga permit at lisensya.

Kaugnay nito, iginiit ni Ejercito sa NHA at housing agencies na muling maglatag ng masterplan para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Isusulong naman daw sa Senado na madaliin ang paglikha ng Department of Human Settlements and Urban Development kung saan ipaiilalim ag lahat ng housing agencies.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?