22

Jun 16, 2021 @ 21:03
By

70% na naturukan! New York, California inalis na ilang health protocol

Nagdiriwang ngayon ang New York at California dahil “effective immediately” ay inalis na ang ilang COVID-19 restriction nila laban sa coronavirus.

Upang i-celebrate ito, kuminang ang mga fireworks sa NY habang umulan ng confetti sa California nitong Martes ng gabi.

Ani NY Governor Andrew Cuomo, 70% na raw ng populasyon nila ang naturukan ng unang dose.

Kabilang sa inalis niya ang limitasyon sa pagtitipon, capacity restriction sa mga establisyimento, social distancing, health screening, cleaning at disinfection protocol at contact tracing.

Sa California, 72% naman ang nakatanggap na ng unang dose.

Tinawag ni California Gov. Gavin Newsom ang Martes na “reopening day” dahil inalis na rin niya ang ilang paghihigpit kontra virus tulad ng limitasyon sa kapasidad at social distancing.

Mananatili naman sa California at New York ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong transportasyon, mga K-12 school at pagamutan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?