smg
By

70 machine guns ng PCG gagamitin kontra ‘pirata’, terorismo

Sharing is caring!

Ibinida ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Rear Admiral Elson Hermogino ang 70 Tavor sub-machine Guns 9mm sa national headquarters ng ahensiya sa Port Area, Manila.

Ang gawang Israel na mga baril ay naideliber noong nakaraang linggo at gagamitin ng elite force ng PCG sa paglaban sa terorismo at “pirata” sa karagatan.

Nakatakda ring bumili ang PCG ng P1 bilyong halaga ng mga armas ngayong taon na galing sa General Appropriation Act of 2018.

Kabilang dito ang 9 mm pistol para sa lahat ng tauhan nito, assault at sniper rifles para naman sa Special Operations Force, machine guns para sa mga operasyon ng maliliit nilang bangka at heavy machine guns na may automatic gyro stabilizer para naman sa mga barko ng PCG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?