56

Dec 7, 2017 @ 16:44
By

70 execs sasalang sa lifestyle check sa DOF

Aabot sa 70 mga opisyal at kawani ng Department of Finance (DOF) ang target ng lifestyle check hanggang sa pagtatapos ng taon.

Ayon kay Finance Usec. Bayani Agabin, na siyang nangangasiwa ng Revenue Integrity Protection Service (RIPS), may mga kawani rin ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na sasakupin ng lifestyle check.

Aniya, bahagi ito ng kampanya ng administrasyong Duterte na maalis sa gobyerno ang mga tiwali.

Sinabi nito na marami sa mga iimbestigahan ay kaduda-duda ang pinagmulan ng mga naipundar na ari-arian kung pagbabasehan ang kanilang suweldo.

Idinagdag naman ni RIPS Executive Director Ray Espinosa may mga naimbestigahan base sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Banggit nito, may mga kaso na silang isinumite sa Ombudsman at Civil Service Commission para sa pagpapalabas ng resolusyon at para sa mas masusing imbestigasyon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?