149

By

70-anyos na Pinoy todas sa pulubi sa LA

Nasawi ang isang Filipino senior citizen sa Los Angeles, California matapos atakihin ng pulubi sa istasyon ng tren.

Ayon sa ulat ng LA Police District, kinilala ang biktima na si Julius Rondez, 70, tubong Pantukan, Compostela Valley sa Mindanao.

Nagtatrabaho siya sa City Los Angeles Department of Water and Power.

Lumabas sa imbestigasyon na pauwi na ng kanyang bahay galing sa trabaho ang biktima at patungo na sa train station nang atakihin ng pulubi na nakilalang si Gerson Carillo Torres, 22.

Walang dahilan bigla nitong sinakal si Rondez at hindi binitawan hanggang sa bumagsak at mabagok ang ulo nito sa bangketa.

Nang dumating ang mga pulis wala nang malay ang biktima at tinakbo sa ospital pero pumanaw kalaunan.

Naaresto si Torres at mahaharap sa kasong murder habang tinakda naman sa $2 million ang kanyang piyansa.

Samantala, hindi pa batid ang motibo ng suspek sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?