25

Jun 17, 2020 @ 21:07

7 tulak timbog sa P285K shabu

Kalaboso ang pitong tulak habang aabot sa P285,000 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Cavite.

Kinilala ang mga naarestong sina Ariel Mallari, 34; Rasel Gervacio, 20; John Paul Goleña, 25; Allan Callos, 48; Raquel Cunot, 38; Jomarie Ibabao, 19; at Gemma Sta Rosario, 46.

Alas-5:30 kamakalawa ng hapon nang nagsagawa ng buy-bust operation ang Gen. Trias Police katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency sa Brgy. Panungyanan, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Callos at nasamsam ang tinayang 2.96 gramo ng shabu na may street value na P20,000.

Kasabay ng nasabing operasyon, naaresto rin sina Mallari, Gervacio at Golena sa Barangay H2, Dasmariñas City, nasamsam ang tinatayang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P170,000. Narekober sa lugar ang ilang sachet ng shabu, a cellphone at isang motorsiklong gamit ng suspek.

Samantala, alas-2:05 ng madaling araw naman ng maaresto sina Cunot, Ibabao at Sta Rosario sa Brgy. Pasong Camachille 2. Narekober dito ang tinatayang 14.09 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P95,000. (Gene Adsuara)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?