20
prisoned
By

7 tulak at adik, binitbit sa QC

Sharing is caring!

Swak sa kulungan ang pitong naarestong adik at tulak ng iligal na droga matapos na maaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa patuloy na isinasagawang ‘anti-drug and anti-criminality operations’ sa Quezon City.

Batay sa report na natanggap ni QCPD Director, Police Chief Superintendent Joselito T Esquivel Jr., ang Novaliches Police Station (PS-4) sa pamumuno ni PSupt Carlito Grijaldo ay naaaresto sa buy-bust ang suspek na sina John Dumanil, 40-anyos, ng No. 28 Geronimo Compound, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, na kilalang ‘drug peddler’ sa Geronimo Compound at mga katabing barangays; at Marlon Marnilego, 38, resident eng No. 17 Magsaysay St., T.S. Cruz Subdv., Brgy. San Agustin, Novaliches.

Ang mga naturang suspek ay nadakip bandang alas- 8:30 ng gabi (May 2, 2018), sa harap ng convenience store sa Quirino Highway, Brgy. Novaliches Proper. Nakumpiska sa kanila ang dalawang sachets ng shabu at buy-bust money.

Habang ang Fairview Police Station (PS-5) operatives na pinamumunuan ni PSupt Benjamin Gabriel Jr., ay naaresto rin sa ‘buy-bust’ sina Rahma Monaliza Datu-oto, 45, ng Caloocan City; Julius Labayane, 44, at Joel Miranda, 42, ng Brgy. North Fairview, bandang alas- 6:30 p.m., May 2, 2018, sa isang fast food store sa Commonwealth Avenue corner Regalado St., Brgy. Greater Fairview. Nasamsam sa kanila ang 11 sachets ng shabu at buy-bust money.

Inireport naman ng Batasan Police Station (PS-6) sa ilalim ni PSupt Rossel Cejas ang pagkakadakip kay Roseaida Angara, 39, naninirahan sa No. 710 San Lorenzo St., Brgy. Commonwealth. Siya ay naispatan ng mga tanod na may dalang shabu dakong 5:30 p.m., May 2, 2018, sa San Lorenzo St., Brgy. Commonwealth.

Dinakma naman ng mga tauhan ng Anonas Police Station (PS-9) sa pamumuno ni PSupt Alex Alberto sa kanilang isinagawang buy-bust sina Marvie Gail Verzosa, 33, ng No. 19 Pansol Bungad St., Brgy. Pansol at Aldrin Estrella, 19-anyos, ng No. 33 N. Perez St., Brgy. Pansol, bandang 3:00 a.m., May 3, 2018, habang nakikipag-transaksiyon sa harap ng Verzosa’s residence. Nakumpiska sa kanila ang dalawang sachets ng shabu, at mga pinatuyong dahon ng marijuana at marked money.

Ang mga nadakip na suspek ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng QCPD sa Camp Karingal habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?