2,828

Mar 9, 2020 @ 22:45
By

7 timbog sa droga sa Olongapo

Pitong katao ang naaresto ng pulisya matapos ang buy-bust operation sa West Bajac Bajac sa Olongapo City, Zambales nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay Olongapo City Police Office (OCPO) Director P/Col. Benjamin Sembrano, ang mga suspek ay kinilalang sina Sheila Mae Mercado, Jabdulrakman Pacsa, Rakman Moter, Johaimah Maruhom, Rommel Laban, Christopher Mendoza, at Ybeth Yap.

Sinabi ni Sembrano na ang lahat ng mga suspek ay kasama sa drug watch list ng PNP-Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 20 heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 5.5 gramo at may kabuuang street value na P17,100, at ang minarkahang pera na ginamit sa operasyon.

Ang mga ebidensya na ito ay dinala sa pagsusuri sa Olongapo City Crime Laboratory, habang ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng pulis para sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?