38

Sep 29, 2017 @ 20:48

7 tiklo sa buy-bust

Hindi na nakapalag pa ang pito katao na kilalang drug pusher at user sa kanilang lugar makaraang magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad kamakalawa sa Pasig City.

Kinilala ni Pasig police chief Sr. Supt. Orlando Yebra Jr., ang naarestong sina Marcelita Missoin, 34, residente ng Barangay Caniogan, Benjie Villarian, 36, Sharon Sarabia, 36, Rene Peligro, 30, Melanie Peligro, 37, at Meronillo Torres, 39, kapwa residente ng Barangay San Miguel; at Jeffrey Fernandez, 25, tricycle driver, ng Villa Puzon, Bgy. Bambang, ng nasabing lungsod.

Naaresto ang anim habang nagpa-pot session sa isang abandonadong bahay sa Louis St., Bgy. San Miguel bandang 9:30 kamakalawa ng gabi. Habang ang tricycle driver na si Fernandez ay naaktuhang nagbebenta ng shabu sa isang police poseur buyer.

Ayon sa pulisya, mahigit isang linggong surveillance ang isinagawa at nakumpirmang positibo sa paggamit at pagbebenta ng illegal na droga ang mga suspek.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Pasig detention cell habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165.(Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?