96
Abante-TnT--7-sundalo-sugatan-sa-pagsabog-sa-Maguindanao
Dec 9, 2017 @ 18:23
By

7 sundalo sugatan sa pagsabog sa Maguindanao

Sugatan ang pitong sundalo matapos ang nangyaring pagsabog sa Barangay Mirab, Upi, Maguindanao kaninang madaling-araw.

Kinilala ang pitong sugatang sundalo na sina Major Romulo Ducay, Corporal Ryan Cabual, Cpl. Arnel Jun, Cpl. Oliver Albo, Cpl. Alvin Jay Sangadan, Pfc. Gerwin Perez at Pfc. Johnny Panday, pawang mga miyembro ng Marine Battalion Landing Team 8.

Sa ulat militar, ala-1:10 ng madaling-araw kanina habang nagpapatrolya ang mga sundalo nang bigla na lamang sumabog ang itinanim na bomba ng mga suspek sa tabi ng kalsada kung saan sila nagpapatrolya.

Sa nangyaring pagsabog, sugatan ang pitong sundalo na agad na isinugod sa Camp Siongco Hospital, Awang, DOS, Maguindanao.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng militar at pulisya sa nangyaring pagsabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?