186

Nov 27, 2017 @ 8:32

7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

Dahil sa pagmamaneho ng lasing ng isang lalaki, pitong katao ang nasugatan sa aksidente sa Macapagal Boulevard sa Pasay City kahapon ng madaling araw.

Sa report ni SPO4 Mario Inserto, traffic investigator, dalawa sa mga biktima ang malubha ang kondisyon.

Aniya, nasa impluwensiya ng alak si Ke Zhiquin, isang Chinese national, habang minamaneho nito ang kanyang sports utility vehicle (SUV).

Sa sobrang tulin ng kanyang pagmamaneho tinumbok niya ang isang passenger van na minamaneho ni Reynante Flores. Pagkabig naman niya sa kanan ay tinamaan niya ang isang sign post bago binangga ang isa naman nakaparadang tow truck.

Kabilang sa mg sugatan ang isang pasahero ni Flores, ang driver at pahinante ng tow truck pati na ang dalawang sakay ni Ke na isinugod sa San Juan de Dios Hospital. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?