847

Feb 16, 2020 @ 19:01
By

7 sasakyan karambola sa NLEX

Nagkabanggaan ang pitong sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) nitong Linggo ng hapon.

Nangyari ang banggaan sa soutbound lane patungong Metro Manila sa Mexico, Pampangan section ng NLEX.

Ayon kay NLEX traffic manager Robin Ignacio, nangyari umano ang karambola matapos na prumeno ang isang motorista dahilan para magkabangaan ang nakasunod dito.

Isang bus ang nadawit sa insidente, na naging dahilan ng kilometrong trapiko sa nasabing parte ng NLEX.

Makikitang yupi ang isang sasakyan na pumatong pa sa isang kotse dahil sa lakas ng impact.

Hindi pa batid kung ilan ang sugatan sa nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?