29

Oct 26, 2019 @ 14:43
By

7 ragasa ng TNT nilagot ni Harris

Mga laro ngayon : (Smart Araneta Coliseum)

4:30 pm – Alaska Milk vs Blackwater

6:45 pm – Barangay Ginebra vs Rain Or Shine

Muling nagpakita ng gilas si Mike Harris upang itulak ang NLEX na dungisan ang TNT, 126-113, sa 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2019-2020 Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor si Harris ng 40 points, may 6 rebounds, 9 assists at 7 steals upang ibigay sa NLEX ang ikatlong sunod na panalo at ikaamin sa pangkalahatan sa pitong laro season-ending conference.

Naputol naman ang pitong sunod na pananalasa ng KaTropa kahit nanatili pa rin ito sa unang puwesto s sa 7-1 panalo-talong kartada.

Isang tres ni Larry Fonacier sa sa 10:23 minuto ng ikaapat na yugto bago sinundan ng layup ni JP Erram sa 10:12 ang nagtulak sa pinakamalaking abante ng Road Wariors sa 18 puntos, 100-82.

Huling nagtabla ang laro sa 74-all sa ikatlong bahagi bago bumomba ang NLEX ng 22-6 atake upang itala ang 90-80 abante sa wakas ng third period. Naibuhos pa ng Road Warriors ang kabuuang 39 puntos sa last quarter habang nilimitahan ang KaTropa 27 puntos.

Ang iskor:

NLEX 126 – Harris 40, Ravena 16, Cruz 15, Erram 14, Quinahan 10, Paniamogan 8, Soyud 8, Miranda 6, Galanza 5, Fonacier 3, Ighalo 1.

TNT 113 – McDaniels 42, Pogoy 35, Rosario 11, Trollano 10, Digregorio 6, Reyes 4, Taha 3, Vosotros 2, Castro 0, Washington 0, De Leon 0.

Quarters: 24-26, 51-53, 90-80, 126-113.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?