66

Oct 23, 2017 @ 11:54

7 pulis nasawi, 61 sugatan sa giyera sa Marawi

Pitong pulis ang namatay sa naganap na giyera sa Marawi City habang 61 ang sugatan sa ika-limang buwan ng gulo sa lungsod.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa matapos ang idineklarang liberation ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lungsod ng Marawi.

Sinabi rin ni Dela Rosa na totoong malaya na ang Marawi dahil tapos na ang giyera sa lungsod.

Prayoridad daw nila ngayon ay ang rebuilding sa Marawi City Police Station.

Masakit daw para sa kanila na makitang wasak ang kanilang police station kaya sa lalong madaling panahon ay kanila itong aayusin.

Kasabay nito, siniguro  naman ni Dela Rosa  na mas mahigpit na seguridad ang kanilang ipapatupad sa lungsod para sa sisimulang rehabilitasyon. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?