28

Dec 23, 2017 @ 17:43

7 Pinoy kabilang sa naarestong terror suspects sa Malaysia

Arestado ang Pinoy na kamag-anak umano ni Abu Sayyaf Group (ASG) leader Isnilon Hapilon matapos umanong mag-recruit ng mga kababayan na nagtatrabaho sa Malaysia para maghasik ulit ng terorismo sa Mindanao.

Plano umano nitong muling sakupin ang Marawi City, ayon sa ulat ng The Straits Time.

Nadakma ang 50-anyos na Pinoy noong Disyembre 6 sa Kuala Lumpur sa operasyong isinagawa ng Counter Terrorism Unit ng Malaysia.

Kabilang ito sa 20 katao – pitong Malaysians, pitong Filipino, limang Indonesians at isang north African – na naaresto sa Kuala Lumpur, Sabah, Johor at Selangor, sa pagitan ng Nobyembre 30 at Disyembre 15 dahil sa pagkakasangkot sa terorismo.

Sinabi umano ng suspek sa mga imbestigador na nagre-recruit ito ng mga Pinoy na naninirahan sa Malaysia mula pa noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?