30

Dec 26, 2020 @ 18:05
By

7 pinaghihinalaang NPA patay sa airstrike

Patay sa airstrike ang pitong pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sultan Kudarat kahapon, Disyembre 25.

Ayon kay Lt. Col. Anhouvic Atilano, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, magtitipon umano ang humigit-kumulang 100 NPA para ipagdiwang ang ika-52 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines kahapon.

Dagdag pa niya, nakatanggap ang kaniyang tropa ng mga ulat mula sa residente na magtitipon ang NPA sa kabundukan na aabutin ng tatlong araw kung lalakarin.

Sinundan ng ground assault ang airstrike na nagdulot ng pagkasidkubre sa kuta ng NPA sa Sitio Kalumutan na nasa hangganan ng Palimbang, Lebak, Kalamansig at bahagi ng bayan ng Senator Ninoy Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?