566
Rider pisak sa truck
Feb 20, 2020 @ 14:41
By

7 patay, 11 sugatan sa pagsabog ng pampasaherong bus

Patay ang pito katao sa sumabog na isang pampasaherong sasakyan.

Ayon sa Dailymail, sumabog ang bus sa Cauca, Colombia noong Lunes ng gabi, Pebrero 17.

Sugatan din sa pagsabog ang 11 katao kabilang ang 11-anyos na babae at ilang pasahero ng dalawang sasakyan.

Sabi ng Colombian army, hindi act of terrorism ang nangyari sa isang highway sa Rosas, ang nag-iisang lungsod sa lalawigan ng Cauca.

“This was no attack. This was a passenger vehicle moving from Pasto toward Cali. It was moving when it exploded,” pahayag ni General Jorge Isaacs Hoyos, commander ng Colombian Army, sa ntd.com.

Isa ang naturang highway sa itinuturing na daan sa drug trafficking sa lugar.

May karga ang sasakyan na 60 kilong pampasabog nang mangyari ang insidente, ayon kay Rosas Mayor Roberto Campo Osorio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?