2

Sep 17, 2020 @ 15:35
By

7 pasaway sa COVID-19 test sa Negros, wanted

Ipinag-utos ng Negros Occidental provincial government ang pag-aresto sa pito katao na hindi nagpa-swab test nang pumasok sa lalawigan.

Mga umano’y Authorized Persons Outside Residence ang pito na kinilalang sina Charle Magne Andres, Dexter Claveria Aquino, Marlo Federiso at Johnny Yanes ng DC Aquino Land Surveying Services, at Jestoni Absin Mangulabnan, Froillan Cris Timplanza Tungol at Jim Batiduan Valerio ng Pax Cable Inc.

Nakapasok sila sa Negros Occidental sa pamamagitan ng Bacolod-Silay Airport noong Martes dala ang sulat mula sa isang Bacolod councilor na pumapayag sa kanilang pagpasok sa lalawigan.

“We will have them located and arrested,” ani Provincial Administrator Rayfrando Diaz sa ulat ng Inquirer.

May health protocol ang Negros Occidental kung saan kailangang sumailalim sa COVID-19 test ang sinumang papasok sa lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?