64
7 pang senador sumailalim sa coronavirus test
Mar 17, 2020 @ 19:56
By

7 pang senador sumailalim sa coronavirus test

Pitong senador ang nagpasuri para sa coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Bukod kay Sotto, ang iba pang nagpa-test ay sina Sens. Panfilo Lacson, Imee Marcos, Grace Poe, Francis Tolentino, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Pia Cayetano.

Sabi ni Sotto, nag-umpisa ang COVID test nitong Martes ng tanghali, Marso 17 at nauna sa pila si Lacson.

Pinatupad din ang social distancing sa mga senador habang naghihintay ng kanilang turn para magpasuri.

Ang resulta na magmumula sa Research Institute for Tropical Medicine ay ilalabas pagkalipas ng dalawang araw.

Noong Lunes kinumpirma ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nagpositibo siya sa virus. Kasalukuyan itong naka-self quarantine.

Nagnegatibo naman sa coronavirus sina Sens. Win Gatchalian at Nancy Binay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?