27

Dec 1, 2020 @ 16:07
By

7 nagbenta ng pekeng gold bar sa engineer, tiklo

Arestado ang pito katao matapos umanong magbenta ng mga pekeng gold bar sa isang engineer sa Santiago City, Isabela noong Linggo.

Sa ulat, kinilala ang mga suspek na sina Rico Callueng, Apolinario Basanes, Rodolfo Pascua, Jayson Pascual, Angel Lacson, Edelina Patio at Arnold Villasis.

Ayon sa Cagayan Valley Regional Police, nadakma ang mga suspek sa ikinasang entrapment operation sa Barangay Villasis matapos magreklamo ang isang Engr. Felido Bautista.

Sabi ni Bautista, inalukan siya ng mga salarin ng isang palladium bar na nagkakahalaga ng P10 milyon pero lumabas na peke.

Nag-demand umano ang mga suspek ng P1.5 milyong paunang bayad sa biktima.

Nang hingin ng mga suspek ang buong P10 milyon ay doon na ikinasa ang entrapment laban sa kanila.

Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong syndicated estafa at robbery-extortion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?