73

Sep 29, 2017 @ 13:38

7 miyembro ng NPA, sumuko sa Zamboanga Sibugay

Pitong miyembro ng New Peoples Army ang sumuko sa military sa Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Kinilala ang mga sumukong rebelda na sina Henry Bawan Becsala, alyas Natoy; Benbin Gumandag Mandaw, alyas Lito; Mario Oksik Maghanaoy, alyas Rex; Lauravel Obaran Niadas, alyas Maribel; Villa Neadas, alyas. Sandra; Marcelino Gumangay Lavares, alyas Ruben; at Joseph Gumangay Lavarez, alyas Michael.

Ayon kay Capt Jo- ann Petinglay, tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command sumuko ang pitong rebelde alas-6:00 ng umaga kamakalawa (September 27) sa tropa ng 102nd Brigade ng 1st Infantry Division ng Philippine Army sa Barangay Sanito Ipil Zamboga Sibugay.

Kasabay na isinuko ng mga rebeldeng sina Becsala, Mandaw, at Maghanaoy ang kanilang dalawang K47 rifles at isang Caliber .45 Remington.

Sa ngayon, sumasailalim na sa custodial debrefing ang mga sumukong rebelde. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?