476

Nov 27, 2017 @ 14:55
By

7 milyong Pinoy, walang maayos na kubeta

Kasabay ng selebrasyon ng World Toilet Day ngayong araw, muling ipinaalala ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na palikuran upang makaiwas sa sakit.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, isa ang pagkakaroon ng maayos na toilet facility upang maisakatuparan ang Universal Health Care agenda na isinusulong ng ahensya.

Base sa datos ng World Health Organization (WHO), tinatayang nasa pitong milyong mga Filipino ang gumagawa ng open defecation, o ‘yung pagdumi sa mga open space tulad ng ilog at bukid dahil walang maayos na palikuran.

Lumalabas din aniya sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority, na mas mataas pa ang bilang ng mga pamilya na mayroong cellphone kumpara sa mga mayroong maayos na palikuran.

Dapat aniya na bigyang-pansin din ang pagkakaroon ng maayos na toilet facility upang makaiwas sa mga sakit tulad ng diarrhea, at iba pang sakit dulot ng worm infection. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?