107

Oct 8, 2021 @ 17:23
By

7 ‘manok’ ni Duterte sabay naghain ng COC

Pitong senatoriable ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sabay naghain ng kanilang certificate of candidacy nitong Biyernes.

Bandang alas-3:30 ng hapon nitong Biyernes kasama si Senador Bong Go, dumating ang Pangulo sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Bilang suporta, itinaas ni Duterte ang mga kamay ng mga senatorial aspirant na kinabibilangan nina Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Information and Technology Secretary Gregorio Honasan, SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta, Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica, broadcaster Rey Langit at actor Robin Padilla.

Ang pitong kandidatong nabanggit ay nominado ng PDP-Laban Cusi faction.

Bukod sa pitong senatoriable, itinaas din ng Pangulo ang mga kamay nina dating Public Works Secretary Mark Villar, na tatakbo ring senador, at MOCHA partylist nominee Mocha Uson. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?