121

Mar 6, 2020 @ 18:37
By

7 magkakaanak kinagat ng asong may rabies

Inoobserbahan ngayon ng mga doktor ang pitong miyembro ng pamilya sa Dagupan City matapos kagatin kahapon ng isang asong may rabies.

Ayon kay Dagupan City assistant veterinarian Dr. Daniel Garcia, ang isa sa kanila ay noon pang Pebrero nakagat ng aso pero binalewala niya ito.

Napansin na lang ng pamilya na nagbago na ang ugali ng aso, nanghina at namatay ito.

Sinabi ng mga awtoridad na doon lang nila nalaman na may rabies pala ang aso.

Kaya naman nagpabakuna ng anti-rabies ang pamilya at ligtas naman silang lahat sa ngayon.

Nagbabala ang awtoridad na mag-ingat sa panganib ng rabies dahil sa kagat ng aso o pusa.

“[Ang] rabies po totally 100 percent po preventable po siya, [pero] once na isang aso, pusa hanggang sa tao nagpakita na ng sintomas ng rabies, hindi na po siya magagamot,” ani Garcia. ALLAN BERGONIA

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?