4
shabu10
By

7 mag-bff tiklo sa pot session sa Pasig

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng pitong magkakaibigang drug users makaraang mahuli sa isinasagawang pot session makaraang may natanggap na tip ang Pasig Police kaugnay sa illegal na paggamit ng droga sa Pinagbuhatan, kamakalawa ng hapon.

Pawang mga nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o illegal drugs act sina Joemarie Santos y Melendres, Michelle Bautista y Gatchallan, Joyce Kimberly Ancheta y Mendoza, Jimmy Avegonia y Manalaysay, Alex Linzangan y Pudua, Dante Millarada y Manlonas at Jodel Dueñas y Mutuc habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan sa pot session na si Bienvenido Gamolo Jr y Palmores, pawang mga nasa hustong gulang at magkakaibigan.

Batay sa report, agad nagsagawa ng drug operation ang mga tauhan ng station drug enforcement unit ng Pasig Police bandang 4:30 kamakalawa ng hapon makaraang magpositibo ang natanggap na tip na ginagawang pot session ang isang bahay ni Santos sa Sto. Domingo St., Pinalad, sakop ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Agad na dinampot ang pitong suspek habang nakatakas naman si Gamolo at narekober mula sa mga inaresto ang tatlong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at shabu paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong ang pitong suspek sa Pasig detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?