100

Oct 10, 2017 @ 13:01

7 kilo ng marijuana, 200 ecstacy nadiskubre sa naiwang bagahe

Matapos ang mahigit dalawang buwan at walang kumuha ng mga ‘drug packages’ na nakumpiska sa NAIA, ibinigay na ng Bureau of Customs ang naturang bagahe sa Philippine Drug Enforcement Agency ang mga droga.

Ayon kay Customs Comm. Isidro Lapena, ang mahigit 200 ecstacy tablets ay galing ng Germany noon pang Hulyo.

Samantala ang mga marijuana na tumitimbang ng hindi bababa sa pitong kilo ay galing naman ng California, USA at dumating sa ibat ibang petsa noong Hulyo at Agosto.

Sinabi ni Lapena na may consignees ang mga droga at hinintay nila na dumating ang mga ito para hulihin ngunit hindi nagpunta sa NAIA.

Aniya, bahala na ang PDEA na magsagawa ng imbestigasyon sa mga insidente.

Inamin din ni Lapena na hindi sila sigurado kung ang pagpapadala ng drug  packages ay subok lang o dati nang ginagawa.

Binanggit pa nito na itinuring na nila declared goods ang mga drugs dahil idineklarang mga damit  at personal na gamit lang ang mga ito. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?