By

7 kelot kulong sa cara y cruz

Sharing is caring!

Hindi na nakapalag pa ang pito katao matapos malambat ng pulisya makaraang ireklamo ng pag-iingay kahapon ng madaling-araw sa Barangay Malinao, Pasig City.

Sa report na nakalap sa tanggapan ni Eastern Police District Director SSupt. Romulo Sapitula, nakilala ang mga arestado na sina Reyson Herondio y Delfino, Rommel Gonzales y Sanggalong, Benix Herondia y Delfino, Larico Umali y Lorenzo, Michael Aguila y Ramos, Roberto Manalo y Mercado at Joseph Cervantes y Tuyungan, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.

Batay sa report, nakatanggap ng tawag ang Pasig police kaugnay sa pag-iingay ng mga suspek bandang ala-1:30 ng madaling-araw sa kanto ng Balderama St., na sakop ng Barangay Malinao.

Nang makatunog na may paparating na pulis ay agad nagkalasan ang mga suspek hanggang sa malambat ang pito katao na sangkot sa iligal na pagsusugal.

Nakumpiska sa mga ito ang tatlong .25 sentimo na gamit bilang ‘pagara’ at P1,100 betting money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasig detention cell at inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 (cara y cruz). (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?