94

Mar 6, 2020 @ 18:32
By

7 kaso ng COVID-19 nadiskubre, Bethlehem ini-lockdown

Pinag-utos ng Israel ang pagsasara sa Bethlehem nitong Biyernes matapos madiskubre ang pitong kaso ng coronavirus (COVID-19) doon.

Inatasan ni Defense Minister Naftali Bennett ang Israeli army sa koordinasyon sa Palestinian Authority na ipatupad ang lockdown, ayon sa Times of Israel.

Inanunsyo rin ng Palestinian government ang isang buwan na state of emergency.

Bawal nang pumasok o lumabas sa siyudad.

Ang pitong nagpositibo sa virus ay mga nagtatrabaho sa isang hotel sa Bethlehem kung saan nanatili ang isang grupo ng mga Greek tourist noong Pebrero.

Nagpositibo sa virus ang mga turista nang bumalik sa Greece.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?