96

Nov 25, 2021 @ 16:28
By

7 estudyante nanood ng ‘Squid Game’ inaresto; pasimuno bibitayin

Parusang kamatayan ang ipinataw sa isang lalaki matapos magpasok sa North Korea ng Netflix hit series na “Squid Game” habang isa sa pitong high school student na nahuling nanonood ng nasabing pelikula ang makukulong habambuhay.

Ayon sa report ng The New Daily, nagpuslit ang North Korean man ng mga kopya ng “Squid Game” sa kanyang bansa mula sa China at ibinenta ito sa pamamagitan ng mga flash drive.

Nahuli sa aktong nanonood ng “Squid Game” ang pitong estudyanteng pinagbentahan niya.

Isang estudyante ang hinatulang makulong habambuhay habang ang anim pang mag-aaral ay sinentensiyahan ng limang taong hard labour o pagtatrabaho.

May mga ulat na nagsabing isa sa mga estudyante ang nakaligtas sa parusang hard labour matapos magbayad ang kanyang pamilya ng US$3,000 o mahigit P151,000.

Sinibak din umano ang mga guro at school administrator ng mga ito habang nakatakdang patayin sa pamamagitan ng firing squad ang North Korean citizen na nag-smuggle ng “Squid Game”.

Sa ilalim ng batas ng North Korea, ipinagbabawal ang panonood, pagtatago o pag-distribute ng media mula sa mga “capitalist country” kabilang na ang South Korea, kung saan ginawa ang “Squid Game”.

Pinakamataas na parusa rito ang kamatayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?