103
7 Chinese arestado sa pagdukot sa kapwa Chinese
Mar 12, 2019 @ 18:39
By

7 Chinese arestado sa pagdukot sa kapwa Chinese

Iniharap sa media ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong Chinese na itinuturong mga suspek sa pagdukot sa mga kapwa nila Chinese na hindi nakakabayad sa mga utang sa casino.

Magkakasunod na natimbog sa Pasay at Parañaque ang mga suspek na sina Lou Gen Jin, Cheng Yigou, Liu Shenghui, Deng Shuijin, Xiong Jinxiang, Xiong JongPeng at Xiong Jilong.

Inaresto ang mga suspek base sa sumbong ng Chinese na si Jian Shi Lun na kapatid ng biktimang si Jian Shi Xin.

Dinukot umano ng mga suspek ang biktima sa Okada Manila sa Parañaque at iligal na idinetine sa isang condominium unit sa Maynila.

Pinatawag pa ng mga suspek ang biktima sa kanyang mga kaanak para sa ransom money na nagkakahalaga ng P200,000.

Nagpadala ng pera ang kaanak ng biktima sa pamamagitan ng online money transfer.

Nagawang maipadala ng biktima sa kanyang kapatid ang location pero hindi na rin ito inabutan doon ng NBI.

Pinalaya ang biktima noong Marso 10 sa Parañaque City.

Sa kuwento ng biktima, dinukot siya sa Okada at dinala sa isang condo at doon ikinulong at pinahirapan.

Dito na nagsagawa ng follow-up operation ang NBI hanggang sa matimbog ang mga suspek.

Kinasuhan na ang mga suspek ng serious Illegal detention at kidnapping sa Pasay City Prosecutor’s Office.

 

 


Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit ang pitong (7) Chinese National sa kasong Kidnapping at Illegal Detention, sa lungsod ng Pasay at Paranaque. Kinilala ang mga suspek na sina Lou Gen Jin, Cheng Yiguo, Liu Shenghui, Deng Shuijin, Xiong Jinxiang, Xiong Jongpeng at Xiong Jilong na pawang nasa kostudiya ng NBI sa Maynila

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?